|
What if…
Unang una kong naaalala, si Basya at Popoy, “One More Chance”. Yung part na umiiyak si Basya para humingi ng space kay Popoy. Napaiyak ako nung time na yun. Siguro hindi ko maikocompare yung situation ko kay Basya. Sa ngayon I’m in a relationship na “It’s really Complicated”. My boyfriend is working abroad. Ako naman dito muna sa Pinas, trying my luck here first before flying outside the country. We’ve been on and off for 5 years and trying to work it out, (i think). May nakapagsabi na saken kaya siguro kame nagtagal is because the attachment. I never thought about it kase ang alam ko mahal ko sya. I dreamt na one day we will be together as husband and wife. Having kids after years and grow old together. And naisip ko lang, bakit ang mag.asawa nagtatagal, dahil lang din ba sa attachment? Hindi ba love yung reason kung bakit nagtatagal ang isang relationship? But what if… kung tama pala yung friend ko. What if dahil lang talaga sa attachment kaya kame nagtagal ng boyfriend ko? What if kung hindi pala talaga kame para sa isat isa? What if kung meron pala talagang nakalaan na mas hihigit pa sa kanya for me? What if kung hindi ko pala talaga mahal si bf… I need answers, maybe not today, not tomorrow or not this time… Maybe someday… |